Antique, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Antique alas-11:34 Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 17 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Culasi.

May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naramdaman ang Intensity IV sa Culasi, Antique.

Intensity II sa Pandan, Antique.

Habang Intensity I sa Libacao, Aklao.

Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa ari-arian bunsod ng nasabing pagyanig.

Read more...