Ilang events sa APEC Summit hindi na dadaluhan ni Pang. Duterte; babalik sa bansa ng mas maaga

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 08:36 PM

Photo from Sec. Manny Piñol

Mas maaga kaysa naunang schedule ang uwi sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte galing Papua New Guinea.

Hindi na dadaluhan ng pangulo ang mga nahanay na event para sa the 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Linggo, Nov. 18.

Ayon sa abiso na ipinadala sa Palace media, aalis na ng Sabado ng gabi (11:15PM) si Pangulong Duterte sa Port Moresby pagkatapos ng gala dinner.

Inaasahang darating na siya sa Davao City alas 3:15 ng madaling araw ng Linggo.

Nakasaad din sa abiso na hindi na magbibigay ng arrival statement si Pangulong Duterte.

Wala namang nakasaad na dahilan kung bakit napaiksi ang APEC trip ng pangulo.

Para sa mga event na magaganap ng Linggo, kakatawanin na lamang ng kaniyang Cabinet members si Pangulong Duterte kasama na ang informal dialogue sa International Monetary Fund.

TAGS: apec summit, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, apec summit, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.