Klase sa Maynila suspendido sa Martes, Nov. 20

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 06:42 PM

Sinuspinde ni Manila Mayor Joseph Estrada ang klase sa lahat ng antas sa lungsod sa Martes, November 20.

Sa nilagdaang Executive Order Number 41 ni Manila Mayor Joseph Estrada, kasam ring suspendido sa Martes ang pasok sa Manila City Government.

Ito ay dahil sa pagbisita sa bansa ni Chinese Pres. Xi Jinping mula November 20 hanggang November 21, 2018.

Nakasaad sa EO na bahagi ng aktibidad ni Pres. Xi ay ang Wreath Laying Ceremony sa Rizal Monument sa Maynila.

Ayon kay Estrada, inirekomenda ng Manila Police District na magdeklara ng suspensyon ng klase at trabaho sa City Government offices para masiguro ang kaayusan sa kasagsagan ng pagbisita ni Pres. Xi.

TAGS: manila, President xi Jinping, walangpasok, manila, President xi Jinping, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.