Balangiga bells aayusin muna bago ibiyahe pabalik ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 05:57 PM

Photo from Philippine Embassy to US

Isasailalim muna sa pagsaaayos ang Balangiga bells bago ito tuluyang ibiyahe pabalik ng Pilipinas.

Sinabi ito ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez matapos ang seremonya na idinaos sa Wyoming na hudyat ng pagbabalik ng mga bell sa bansa.

Ayon kay Romualdez, dadalhin sa Philadelphia, Pennsylvania ang dalawang Balangiga bells para ma-refurbish..

Pagkatapos nito, ipadadala ang mga bell sa US Airbase sa South korea kung saan narooon naman ang isa pang bell.

Mula doon ay sabay-sabay na ibibiyahe ang mga kampana pabalik ng Pilipinas.

Sa tantsa ni Romualdez maaring sa Disyembre ay nasa bansa na ang Balangiga bells.

 

TAGS: balangiga bells, Radyo Inquirer, US, balangiga bells, Radyo Inquirer, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.