1.5 billion na pekeng account ang inalis ng Facebook sa nakalipas na 6 na buwan

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 05:32 PM

Inquirer file photo

Sa loob lamang ng anim na buwan umabot sa mahigit 1.5 billion na pekeng accounts ang isinara ng Facebook.

Inilahad ito ng Facebook sa kanilang latest Community Standards Enforcement Report.

Maliban sa mga pekeng account, binantayan din ng Facebook ang mga adult nudity, sexual activity, hate speech, spam, terrorist propaganda, karahasan at graphic content na ibinabahagi sa Facebook mula April 2018 hanggang Sept. 2018.

Ayon sa Facebook, kung ikukumpara sa nagdaang report na kanilang inilabas ay mahigit sa doble ang naitala nilang hate speech sa ngayon na umabot sa 52% kumpara sa 24% lang nung nakaraan.

Mayorya sa mga post na inalis ng Facebook ay natuklasan nila bago pa man may nag-report ng mga ito.

Tumaas naman ng 25% ang proactive detenction rate ng Facebook para sa karahasan at graphic content, dahil nakapagtala ngayong taon ng 97% kumpara sa 72% noong nakaraang taon.

Sa 2nd quarter at 3rd quarter ng taon, sinabi ng Facebook na umabot na sa mahigit 1.5 billion na fake accounts ang kanilang naisara.

TAGS: Community Standards Enforcement Report, facebook, Community Standards Enforcement Report, facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.