Opisyal ng DPWH sinibak dahil sa pangingikil
Sinibak sa pwesto ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar ang isang district engineer na nahuli sa video habang nagingikil sa isang contractor sa Ifugao.
Sa kautusan ni Villar, sinibak sa pwesto si Lorna Ricardo ng Abra District Engineering Office.
Inatasan din si Ricardo na mag-report sa Central Office ng DPWH habang siya ay sumasailalim sa administrative investigation.
Una nang iprinisita ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang video kung saan nakita si Ricardo na nagde-demand ng P10 million mula sa contractor para masigurong sa dito mai-aaward ang Lagawe-Caba-Ponghal Road Development Project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.