Ililipat na Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Vic Ladlad.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), inaprubahan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 ang kanilang hirit para sa “transfer of custody” kay Ladlad at kasama nitong si Alberto Villamor.
Mula sa jail facility ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit ay ililipat na siya sa pasilidad ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ang isa pang kasama ni Ladlad na si Villamor ay sa Female Dormitory sa Camp Karingal naman ikukulong.
Ang tatlo ay naaresto noong Nov. 8 dahil sa illegal possession of firearms sa Novaliches.
MOST READ
LATEST STORIES