Eskwelahan sa Olongapo muling binulabog ng bomb scare

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 03:55 PM

Muling binulabog ng bomb threat ang Gordon College sa Olongapo City.

Ang banta ay ipinadala sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Ayon sa Olongapo City police, unang natanggap ang banta ng isa sa mga professor sa eskwelahan, HUwebes ng gabi.

Nakasaad sa mensahe na mayroong sasabog na bomba sa loob ng paaralan.

Agad isinailalim sa inspeksyon ang gusali at pinalabas muna ang mga estudyante at mga empleyado.

Nag-negatibo naman sa bonba ang eswekalahan.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakatanggap ng bomb threat ang Gordon College ayon sa kanilang Civil Securitiy Safety Unit.

Dahil noong Miyerkules ng tanghali, isang estudyante rin ang nakatanggap ng banta sa pamamagitan ng text.

TAGS: bomb scare, Gordon College, Olongapo, bomb scare, Gordon College, Olongapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.