2 patay sa Tarlac matapos uminom ng Lambanog

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 03:43 PM

FILE PHOTO

Nasawi ang dalawang lalaki at dalawa pa ang dinala sa ospital matapos mag-inuman ng lambanog sa Tarlac.

Sa ulat ng Capas, Tarlac police, nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital sina Edelito Sicar, 44 na taong gulang at Edgardo Sicat, 69 na taong gulang.

Ang dalawa ay nakipag-inuman ng lambanog sa Barangay Aranguren at pagkatapos ay dumaing ng matinding pananakit ng ulo at pagkahilo.

Ang dalawa pa nilang kainuman na sina Zoren Sical, 27 at Jasper Sicat, 18 ay ginagamot pa ngayon sa ospital.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may halo ba ang lambanog na ininom ng apat na maaring dahilan ng kanilang pagkalason.

Isang Randy Tiamzon umano ang nagbigay ng lambanog sa apat na nabili umano sa Magalang, Pampanga noong Nov. 2.

TAGS: capas, lambanog, Radyo Inquirer, Tarlac, capas, lambanog, Radyo Inquirer, Tarlac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.