Dating Senador Bong Revilla pinayagan ng Sandiganbayan na bisitahin sa ospital ang may sakit na ama

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 03:28 PM

Inquirer.net Photo

Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Sen. Bong Revilla sa kahilingan nitong makalabas pansamatala ng detention cell para bumisita sa ama na nasa ospital.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan First Division, pinagbigyan nito ang hiling ni Revilla na mabisita ang amang si Ramon Revilla Sr. sa ospital bukas, araw ng Sabado (Nov. 17).

Sinabi ng Sandiganbayan na maaring bumisita si Bong Revilla sa ama sa pagitan ng alas 2:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Matapos ang pagbisita ay kailangan niyang agad bumalik sa PNP Custodial Center.

Ayon sa kampo ng dating senador, naka-confine sa ospital ang kaniyang ama mula pa noong Huwebes dahil sa pneumonia.

 

TAGS: Bong Revilla Jr, sandiganbayan, Bong Revilla Jr, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.