5 Peryahan ng Bayan ipinasara ng NBI at PCSO

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 02:35 PM

CONTRIBUTED PHOTO

Ipinasara ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang “Peryahan ng Bayan” na ino-operate ng Globaltech Mobile Online Corporation sa Quezon City.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan ang isinagawa nilang pagsalakay sa limang peryahan ay nagresulta din sa pagkdakip sa 57 bet collectors ng Globaltech.

Nahaharap aniya sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Numbers Games Laws at Cyber Crime Law ang mga nadakip.

Sinabi ni Balutan na nakumpiska nila sa ginawang raid ang mga desktop computer, pekeng PCSO IDs, bet slips, ilang dokumento at mga sasakyan na ginagamit sa pagkulekta ng taya.

Ayon kay Balutan, noo pang 2016 ay terminated na ang Deed of Authority ng Globatech para mag-operate ng “peryahan” dahil sa hindi nito pagre-remit ng kita sa PCSO.

TAGS: NBI, pcso, Peryahan ng Bayan, quezon city, Raid, NBI, pcso, Peryahan ng Bayan, quezon city, Raid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.