Sa inilabas na datos ng NCRPO, 497,942 na ang hinuli at pinagsabihan dahil sa paglabag sa mga ordinansa simula noong Hunyo 13 hanggang madaling araw ng Biyernes, November 16.
Sa bilang, malaking bahagi ay pawang lumabag sa smoking ban na umabot sa 139,774.
Sumunod ang mga walang suot na damit pang itaas sa bilang na 31,187 samantalang 22,912 naman ang sinita dahil sa pag inom sa kalsada.
Nasa 30,775 menor de edad ang hinuli dahil paglabag sa curfew hours.
At 273,288 naman ang lumabag sa iba pang mga lokal na ordinansa.
Samantala, ang Quezon City Police District ang may pinakamaraming hinuli at sinita na mga lumabag sa bilang na 291,812.