Ilang kalsada sa Metro Manila sasailalim sa repair ngayong weekend
Nagpalabas ng abiso ang MMDA ukol sa posibleng pagbigat ng trapiko sa ilang lansangan sa Metro Manila dahil sa reblocking at repair.
Simula alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (Nov. 16) hanggang madaling araw ng darating na Lunes (Nov. 19) isasagawa ng DPWH ang repair at reblocking sa sumusunod na kalsada:
SOUTHBOUND:
1. C-5 Road near SM Aura (2nd outermost lane)
2. EDSA Sct. Borromeo near GMA 7 (2nd lane from MRT lane) and Scout Albano – Panorama Dev. Cor. Building (beside sidewalk)
3. EDSA before Olivero footbridge (1st lane from sidewalk)
NORTHBOUND:
4. Tandang Sora Ave. fronting Petron Gas Station
5. Batasan Road near DSWD Central Office (4th lane from center)
6. Mindanao Avenue after Road 20 (truck lane) and fronting Petron Gas Station (truck lane)
RESTORATION/CONCRETING WORKS
1. Quirino Highway (SB) from Villa Sabina to Belton Drive (1st lane from sidewalk)
2. Visayas Avenue (SB) Visayas Ave. Riad 1 intersection (1st to half of 2nd lane from sidewalk)
3. Commonwealth Ave. (Villa Beatriz)
Pinayuhan ang motorista na iwasan na ang mga naturang daanan at maghanap ng mga alternatibong kalsada.
Samantala, magsasagawa naman ng restoration works ang Manila Water sa southbound portion ng EDSA malapit sa kanto ng Lion’s street sa Barangay Ilaya sa lungsod ng Mandaluyong simula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 bukas (Nov. 17) ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.