Private school sa Pasig binulabog ng bomb threat

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz November 16, 2018 - 12:30 PM

Binulabog ng bomb threat ang isang pribadong paaralan sa Pasig City.

Isang text message ang natanggap ng school receptionist ng Reedly International School na nagsasabing may bomba na sasabog sa loob ng paaralan.

Nakasaad pa sa text message na naipuslit ang bomba papasok sa paaralan nang mailagay umano ito sa loob ng bag ng isang estudyante.

Natanggap ang text message alas 8:52 ng umaga at ang nagpadala ay ang cellphone number na 09563047120 .

Agad namang nagtalaga ng SWAT team ang Pasig City police sa paaralan para magsagawa ng inspeksyon.

Ipinadala rin sa paaralan ang mga K9 unit mula sa Pasig City government.

Matapos ang inspeksyon, nag-negatibo naman sa bomba ang paaralan.

Ayon kay Pasig City District Dir. Col. Zaldy Gapas, negatibo ang resulta ng pag-iikot ng mga bomb squad at K9 sniping dog.

Posible umano na isang tao na walang magawa sa buhay ang nagpadala ng txt messages.

Gayunpaman ay nag-iimbestiga pa rin ang Pasig police sa insidente.

TAGS: bomb scare, Pasig City, Reedly International School, bomb scare, Pasig City, Reedly International School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.