Matapos makapagpiyansa, pinayagan nang makaalis ng Sandiganbayan si dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Agad nakapaglagak ng P150,000 na cash bond ang dating unang ginang para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Batay sa kautusan na inilabas ng Sandiganbayan 5th Division, pinayagang mai-release si Marcos mula sa kostodiya ng korte.
“Finding the said bond in order, the same is hereby APPROVED. She may, therefore, be released from the custody of the court,” ayon sa kautusan na nilagdaan ni Sandiganbayan Associate Justice Rafael Lagos.
Ang naunang bail bond na inilagak ng dating unang ginang noon pang 1991 ay kinansela ng Sandiganbayan matapos mahatulan siyang guilty sa pitong bilang ng kasong graft.
MOST READ
LATEST STORIES