Bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Japanese PM Abe sumentro sa kapayapaan at imprastraktura
Sumentro sa kapayapaan at infrastructure ang talakayan sa bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Naganap ang bilateral meeting bilang sidelines ng 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.
Ayon kay Abe, umaasa siya sa mas mabuti pang relasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas lalo sa mga usapin tungkol sa pagpapanatili ng kapayapaan at sa mga imprastraktura.
Sa nasabing pulong, nagpaabot din ng pakikiramay si Abe sa mga nasawi sa Pilipinas sa nagdaang mga kalamidad.
Bago ang pulong nabanggit ni Pangulong Duterte sa panayam na tatalakayin niya kay Abe ang mga isyu sa rehiyon lalo na ang Code of Conduct sa South China Sea, trade at commerce, at sitwasyon sa Korean peninsula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.