Dating Unang Ginang Imelda Marcos, pinayagang maglagak ng P150,000 na piyansa
Inatasan ng Sandiganbayan si dating Unang Ginang Imelda Marcos na maglagak ng P150,000 na piyansa.
Ito ay para sa pansamantalang kalayaan ng dating unang ginang matapos siyang mahatulang guilty sa pitong bilang ng kasong graft noong Nov. 9.
Hangga’t hindi naibabayad ang P150,000 na bail ay hindi pinayagang umalis sa court premises si Marcos.
Sa pagharap sa pagdinig ng anti-graft court sa kaniyang inihaing motion for leave, sinabi ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na nabigo siyang dumalo sa promulgation ng kaniyang kaso dahil hindi niya agad nalaman ang petsa nito.
Nalaman lang umano niya na promulgation na pala ng kaniyang kaso nang mapanood niya sa balita.
Maliban dito, sinabi ni Marcos na hindi rin maganda ang kaniyang pakiramdam nang siya ay magising noong Biyernes.
Tinanong naman ni Sandiganbayan 5th Division Justice Rafael Lagos si Marcos kung bakit nakadalo pa ito sa birthday party ng anak.
Sagot naman ng dating unang ginang, umiyak at nagmakaawa sa kaniya ang anak na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos para dumalo siya sa party.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.