Pinuna kasi ng Public Attorneys’ Office ang umano ay maling portrayal sa trabaho ng PAO sa isang eksena sa naturang teleserye.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, tinukoy ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta ang isang eksena sa teleserye, Huwebes (Nov. 15) ng gabi kung saan ipinakita ang mga kunwaring kaanak ng mga desaparecidos na nakapila sa tanggapan ng PAO para humingi ng tulong.
Ayon kay Acosta, ang pagtulong sa mga nawalan ng kaanak ay mandato ng Commission on Human Rights (CHR) dahil ito ang may pondo para tulungan ang kaanak ng mga nawawalang pinaniniwalan na biktima ng karapatang pantao
Maging ang paggamit ng Ang Probinsyano sa logo ng PAO ay pinuna ni Acosta na hindi aniya ipinaalam sa kanilang tanggapan.
“Kaya nagtataka ako sa ‘Ang Probinsyano’, sinasabi PAO ang lalapitan ng mga desaparecidos dapat CHR, yung nawawala sa palabas kagabi pila-pila yung mga nawalan ng tatay, asawa sa PAO. Eh CHR ang may mandate doon, may pondo silang milyones para sa ganoong alleged abuses. Bakit sa PAO lalapit ang mga nawalan ng anak at tatay, eh nasa mandate ng CHR at may pondo sila dyan? Ginamit ang logo (ng PAO). Hindi naman ipinagpaalam ho sa PAO ‘yan e,” ayon kay Acosta.
Ipinakikita rin aniya sa nasabing teleserye na takot na takot ang PAO sa gumaganap na presidente ng bansa na malayo naman sa katotohanan.
Mas mabuti ayon kay Acosta na sa susunod ay sumangguni muna ang mga scriptwriter sa mga tanggapan kanilang ipo-portray ara hindi magkamali.
“Pinalabas pa yung PAO na takot na takot doon sa presidente doon, eh ako madalas ko hong makontra ang pangulo eh hindi naman ho ako natatakot eh kasi may batas,” dagdag pa ni Acosta.