Panukala para sa mas maagang optional retirement, aprubado na sa komite ng Kamara
Lusot na sa house committee on government enterprises and privatization ang panukala na nagbababa ng optional retirement age ng mga kawani ng gobyerno.
Sa ilalim ng panukala, gagawin ng 56 years old ang optional retirement age para sa mga nasa pamahalaan mula sa kasalukuyang 60 years old.
Mananatili naman sa 65 years old ang mandatory retirement age.
Kapag naging batas aamyendahan ng panukala ang GSIS Act of 1997.
Ang panukala ay naglalayon na bigyan ng kalayaan ang empleyado ng gobyerno na magretiro nang mas maaga na buo pa rin ang retirement benefits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.