Sinabi ni Dir. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, dapat ay pinapanagot sa batas ang mga tao nagiging sanhi para pagdududahan ang resulta ng eleksyon sa bansa.
Naaresto noong Martes ng mga ahente ng NBI si Nicole Mercado Namuag, na nag-aalok ng garantisadong panalo sa mga kakandidato sa halalan sa susunod na taon kapalit ng P20 milyon.
Inihayag ng NBI na maaring kasuhan ng estafa, usurpation of authority at falsification of public documents si Namuag.
Ipinagdiinan naman ni Jimenez na garantisado pa rin ang integridad ng AES sa kabila ng mga alegasyon na nagkaroon ng dayaan sa eleksyon noong 2010, 2013 at 2016.
Sinabi pa nito na ipapatupad pa rin nila ang subok ng ‘safeguards’ mula sa paggamit ng Vote Counting Machines hanggang sa Consolidated Canvassing System sa nalalapit na eleksyon.