Naarestong vote manipulator, kakasuhan ng Comelec

By Jan Escosio November 16, 2018 - 08:57 AM

Balak ng Commission on Elecitons na maghain ng hiwalay na mga kasong kriminal laban sa babae na naninindigan na kaya niyang doktorin ang resulta ng automated election system (AES) sa 2019 midterm elections.

Sinabi ni Dir. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, dapat ay pinapanagot sa batas ang mga tao nagiging sanhi para pagdududahan ang resulta ng eleksyon sa bansa.

Naaresto noong Martes ng mga ahente ng NBI si Nicole Mercado Namuag, na nag-aalok ng garantisadong panalo sa mga kakandidato sa halalan sa susunod na taon kapalit ng P20 milyon.

Inihayag ng NBI na maaring kasuhan ng estafa, usurpation of authority at falsification of public documents si Namuag.

Ipinagdiinan naman ni Jimenez na garantisado pa rin ang integridad ng AES sa kabila ng mga alegasyon na nagkaroon ng dayaan sa eleksyon noong 2010, 2013 at 2016.

Sinabi pa nito na ipapatupad pa rin nila ang subok ng ‘safeguards’ mula sa paggamit ng Vote Counting Machines hanggang sa Consolidated Canvassing System sa nalalapit na eleksyon.

TAGS: 2019 elections, comelec, NBI, vote manipulator, 2019 elections, comelec, NBI, vote manipulator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.