Dating First Lady Imelda Marcos, humarap sa pagdinig sa Sandiganbayan

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 08:47 AM

Inquirer Photo | Jam Sta. Rosa

Dumating sa Sandiganbayan si Dating Unang Ginang Imelda Marcos para dumalo sa pagdinig sa kaniyang kasong graft.

Ang pagdinig ay kaugnay sa apela ng kampo ng dating unang ginang matapos siyang hatulang guilty sa pitong bilang ng kasong graft.

Sinamahan siya ng mga anak na sina dating Senator Bongbong Marcos at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Sa kaniyang inihaing motion for leave ipinaliwanag ng 89-anyos na si Marcos kung bakit na bigo siyang makadalo sa promulgation ng kaniyang kaso noong nagdaang Biyernes.

Idinahilan ng kampo ng dating unang ginang ang kaniyang sakit.

 

TAGS: graft case, Imelda Marcos, sandiganbayan, graft case, Imelda Marcos, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.