Pangulong Duterte dumating na sa Papua New Guinea

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 08:22 AM

Dumating na sa Papua New Guinea si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting ngayong weekend.

Lumapag sa Jacksons International Airport sa Port Moresby ang eroplanong sinakyan ng pangulo galing sa Singapore.

Mula sa pagdalo sa apat na araw na 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and meetings ay diretso sa Papua New Guinea ang pangulo.

Ayon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), ito ang unang pagkakataon na pagbisita ng presidente ng Pilipinas sa Papua New Guinea.

Bago ang mga aktibidad para sa APEC meeting ay kikitain muna ni Pangulong Duterte ang Filipino community sa nasabing bansa.

 

TAGS: APEC Meeting, Papua New Guinea, president duterte, APEC Meeting, Papua New Guinea, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.