16 arestado sa natuklasang shabu tiangge sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 07:51 AM

INQUIRER File Photo

Aabot sa 16 na katao ang inaresto ng mga otoridad nang salakayin ang isang shabu tiangge sa Bacoor Cavite.

Pinasok ng mga pulis ang apat na bahay sa isang maliit na lugar na nasa kalagitnaan ng taniman sa Purok Mangahan, Barangay Molino 4.

Bago isinagawa ng mga otoridad ang pagsalakay, nakuhanan ng video ng police asset ang dalawang lalaki na gumagamit ng shabu sa naturang lugar.

Ayon kay Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police, ang parokyano ng naturang shabu tiangge ay pawang driver at construction workers.

Naaresto naman ang magkapatid na umano ay nagpapatakbo ng shabu tiangge.

Pero ayon sa kanila, hindi sila ang nasa likod nito pero umaming gumagamit sila ng ilegal na droga.

 

TAGS: Bacoor, cavite, Radyo Inquirer, shabu tiangge, Bacoor, cavite, Radyo Inquirer, shabu tiangge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.