2 pulis sugatan nang maka-engkwentro ang mga suspek sa pananambang sa mayor at vice mayor sa La Union

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 07:22 AM

Nasugatan ang dalawang pulis nang maka-engkwentro ng mga ito ang mga umano’y suspek sa pananambang sa mayor at vice mayor ng bayan ng Balaoan sa La Union.

Nakatanggap ng ulat ang mga pulis hinggil sa mga armadong lalaki na nasa loob ng isang sasakyan malapit sa eskwehalan sa bayan ng San Juan.

Nang rumesponde sa lugar ang mga pulis ay pinaulanan na sila ng bala ng mga taong nasa loob ng sasakyan.

Dalawa sa mga pulis ang nagtamo ng tama ng bala ng baril at gionagamot ngayon sa ospital.

Nagawa namang makatakas ng mga suspek sakay ng panibagong sasakayan.

Natuklasan namang peke ang unang sasakyan na ginamit ng mga suspek na kanilang inabandona sa lugar.

Magugunitang noong Miyerkules nasawi sa pananambang si Balaoan Vice Mayor Alfred Concepcion at kaniyang aide na si Michael Ulep.

Sugatan naman ang anak nitong si Balaoan Mayor Aleli Concepcion at walong iba pa.

 

TAGS: ambush, balaoan, La Union, Mayor, Radyo Inquirer, Vice-mayor, ambush, balaoan, La Union, Mayor, Radyo Inquirer, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.