5 nahuli sa kasagsagan ng drug session sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 06:42 AM

Lima ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operations sa Quezon City.

Sa Barangay Pinyahan, nadakip ang isang truck driver at kaniyang mga pahinante sa kasagsagan ng drug session.

Sinabi ni Supt. Louise Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station, hatinggabi ng Biyernes ay natanggap nila ang impormasyon hinggil sa nagaganap na drug session.

Nakita ang limang mga suspek na nagsisiksikan sa loob ng isang CR sa imbakan ng hollow blocks.

Depensa naman ng driver ng truck, hindi nila laging ginagawa ang paggamit ng droga at nais lamang nila itong masubukan matapos silang makabili sa halagang P500.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

TAGS: arrested, drug session, quezon city, arrested, drug session, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.