40 palaboy pinagdadampot sa QC sa nakalipas na magdamag

By Donabelle Dominguez-Cargullo November 16, 2018 - 05:22 AM

Pinagdadampot ng mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office ang mga palaboy sa Quezon City sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa mga tauhan ng CSWD, karaniwan kasing dumarami ang mga nasa lansangan kapag malapit nang mag-Pasko para manlimos.

Ang mga dinampot ay isasailalim lamang sa profiling at pauuwiin din naman kung sila ay mayroong mga bahay na tinutuluyan.

Habang ang mga nakatira sa kalye ay kukupkupin ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa hinuli ay ang mag-asawa at ang limang anak nila na nanlilimos sa bahagi ng Timog Avenue.

Galing ng Zamboanga ang pamilya at lumuwas lamang sa Metro Manila.

TAGS: quezon city, Radyo Inquirer, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.