Road rage suspek na gumamit ng plakang No. 8 nakapagpiyansa

By Len Montaño November 16, 2018 - 02:01 AM

SCREENGRAB FROM RAKIZIM KIMPOLOLOY FACEBOOK PAGE

Nakalabas ng kulungan ang suspek sa road rage incident na kinasasangkutan ng sasakyan na may plakang No. 8 na para lamang sa mga kongresista matapos itong magpiyansa.

Si Jojo Valerio, na nahaharap sa kasong serious physical injury, grave threats, usurpation of authority, at paglabag sa Land Transportation and Traffic Code, ay naglagak ng P4,000 na piyansa Huwebes ng hapon.

Ayon kay Angeles City Pampanga police director Senior Superintendent Enrico Vargas, nakulong muna si Valerio sa Police Station 4 bago nagpiyansa.

Naaresto si Valerio sa Tarlac City kung saan ito nakatakdang tumugtog kasama ang kanyang banda.

Nasangkot ito sa road rage incident sa Balibago, Angeles at nakunan sa CCTV ang panununtok nito sa isang motorista habang nasa loob ng sasakyan nito.

Ayon sa biktima, nagpakilala ang suspect na kamag-anak ng isang kongresista, bagay na iniimbestigahan pa ng pulisya.

Depensa naman ni Valerio, nag-cut ang sasakyan ng biktima at muntik masaktan ang kanyang anak at kasamang babae kaya niya kinompronta ang motorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.