Oposisyon hindi tanggap ang excuse ni Imelda Marcos sa hindi pagdalo sa promulgation sa Sandiganbayan
Hindi kinagat ng oposisyon ang dahilan ni dating Unang Ginang Imelda Marcos na may sakit siya kaya wala ito sa promulgasyon ng kanyang kasong graft sa Sandiganbayan.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, alibi o excuse lamang ang sinabi ni Marcos na mayroon siyang “multiple organ infirmities” dahil nakuha pa nitong mag-party noong Biyernes kung kailan siya hinatulang guilty sa 7 counts ng kasong graft.
Patutsada ng kongresista, mayroong multiple moral and honesty infirmities si Marcos imbes na ang sinabi nitong dahilan sa kanyang mosyon.
Binanggit ni Zarate na si Marcos ay nasa party ng kanyang anak na si Imee ilang oras matapos ang kanyang guilty verdict.
Sa kanyang mosyon sa Sandiganbayan Fifth Division, sinabi ni Marcos na ang utos sa kanya ng doktor ay umiwas sa nakaka-stress na kundisyon na delikado sa kanyang puso, pagkakaroon ng brain attack, at bumalik ang kanyang seizure.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.