Sasakyan ng gobyerno nahulog sa Pasig River

Cachuela Catamin Emj

Inabot ng dalawang oras bago tuluyang nakuha mula sa Pasig River ang isang SUV na nahulog dito.

Batay sa paunang impormasyon mula sa Makati City Police, nakaparada ang Toyota Fortuner sa Guadalupe nang lumabas sandali ang driver nito na si Luis Ponciano.

Bigla umanong umatras ang SUV dahilan upang mahulog sa ilog.

Ayon kay Ponciano, iniwan niyang nakataas ang hand break ng sasakyan bago siya umalis. Kinumpirma naman ng mga otoridad ang naturang pahayag matapos siyasatin ang loob ng sasakyan.

Nabatid na ang sasakyan ay inisyu ng gobyerno sa pasaherong si Erlinda Francisco na Vice President for Operations ng PAGIBIG-NCR.

Bagaman patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad sa insidente, sinabi ni trafic investigator SPO2 Wilson Nacino na mayroong posibilidad na mechanical failure and dahilan ng aksidente.

Dinala sa ospital si Francisco na nasa loob ng sasakyan nang mangyari ang aksidente. Habang ang isa pang pasaherong si Bhecky Pangan ay ligtas maswerteng nasa labas ng SUV.

Read more...