Alaska nangunguna sa semis ng PBA Governor’s Cup

By Justinne Punsalang November 16, 2018 - 12:25 AM

PBA

Tinalo ng Alaska Aces ang Meralco Bolts sa kanilang ikatlong tapatan para sa semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Natapos ang laro sa malapitang iskor na 104-102, pabor sa Aces na ngayo’y nangunguna sa semis ng torneo.

Dahil dito, dalawa na ang naipanalo ng Aces, habang mayroon namang isa ang Bolts.

Sakaling muling manalo muli ang Alaska sa Game 4 ay sila na ang papasok sa finals round, kung saan kanilang makakatapat ang Magnolia Hotshots o Barangay Ginebra Gin Kings.

Pinangunahan ni Mike Harris ang Aces sa pamamagitan ng kanyang 31 points at 24 rebounds. Kapwa 17 puntos naman ang naibigay nina Chris Banchero at Simon Enciso.

Samantala, para sa Bolts, si Allen Durham ang nanguna matapos niyang makapagtala ng 37 points at 13 rebounds.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.