Lalaki umakyat at nahulog sa tower ng NGCP sa Iloilo

By Justinne Punsalang November 16, 2018 - 03:50 AM

Kritikal ngayon ang kundisyon ng isang lalaki matapos itong mahulog mula sa tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Tigbauan, Iloilo.

Hindi pinangalanan ng mga otoridad ang lalaki na umakyat sa tinatayang 11 palapag na taas ng tower.

Nabatid na nag-ala Spiderman ang lalaki at lumambitin sa kable ng tower sa loob ng limang oras.

Maituturing pang swerte ang lalaki dahil nahulog ito sa inihandang dayami at foam ng rescuers.

Sa ngayon ay nasa ospital ang lalaki at patuloy na inoobserbahan ang kanyang kalagayan.

Napag-alaman na nakaranas ng nervous breakdown ang lalaki kaya ito umakyat sa tower ng NGCP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.