12 na nahulihan ng bala sa NAIA, pinalaya

 

Inquirer file photo

Napalaya na ang 12 kataong nahulihan ng bala sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang mga napalaya ay sina Rey Salado, Ryan Rosales, Milagros Cadiente, Marlou Espanola, Rowena Otic, Rufina Cruz, Melody Valdez, Ma. Josephine Rabano, Shine Enola, Gloria Ortinez, Mildred Botog at Santiago Cabrera.

Dahil sa kakulangan ng probable cause, iniutos ni Pasay City Prosecutor Nolasco Fernandez Jr. ang pagpapalaya sa mga inarestong nahulihan ng bala.

Ayon kay Fernandez, kinulang ng mga certification mula sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang mga ebidensyang isinumite sa inquest.

Ang mga ito kasi ang magpapatunay na mayroon talagang paglabag na ginawa ang mga respondents sa firearms and ammunition law.

Inirekomenda ni Fernandez ang mas malalim na imbestigasyon upang malaman kung kailangan ba talagang masampahan ng kasong kriminal ang 12 dahil sa pagdadala ng bala.

Read more...