Kagawad na rapist arestado sa Maynila

By Justinne Punsalang November 16, 2018 - 01:52 AM

Inireklamo ng panghahalay ang isang dating kagawad sa Sampaloc, Maynila.

Dahil dito ay nakakulong ngayon ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Rudy at isang engineer.

Kwento ng ina ng 15 anyos na biktima, sasamahan lamang dapat ng kanyang anak ang kaibigan.

Ngunit imbes na dumeretso sa bahay nito ay dinala ang biktima sa condominum unit ni Rudy kung saan naganap ang panggagahasa.

Matapos ang insidente ay agad na isinuplong ng biktima ang suspek sa mga pulis na silang nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Mahaharap si Rudy sa kasong rape in relation to child abuse.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.