Laguna Lake Highway binuksan na

By Rhommel Balasbas November 16, 2018 - 01:47 AM

DBM

Bukas na para sa mga motorista ang Laguna Lake Highway.

Kahapon, pinangunahan nina Department of Public Works and Highway Sec. Mark Villar at Department of Budget and Management Sec. Benjamin Diokno ang ceremonial opening ng naturang proyekto.

Ang 6.94 kilometers na Laguna Lake Highway ay nagkakalahalaga ng P1.28 bilyon ayon sa DPWH.

Ang bagong kalsadang ito ay nagdurugtong sa Taguig sa ilang bayan ng lalawigan ng Rizal.

Inaasahang pababain nito ang oras ng biyahe mula Bicutan hanggang Taytay ng nasa 30 minuto at makapagbabawas din sa sikip ng trapiko sa EDSA at C5.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.