Pangulong Duterte nakapulong si Japanese PM Abe

By Rhommel Balasbas November 16, 2018 - 04:17 AM

Malacañan Press Corps

Nagkaroon ng bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa sidelines ng 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.

Hindi pa inilalabas ng Malacañang ang mga detalye ng nangyaring pulong.

Gayunman, nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang talakayin kay Abe ang kahalagahan ng code of conduct sa kontrobersyal na South China Sea, isyu sa Korean Peninsula at ang kalakalan at negosyo.

Sa 21st ASEAN-Japan Summit noong Miyerkules, inihayag ni Abe ang kagalakang makatrabaho muli si Duterte.

Sinabi nito na umaasa siyang titibay pa ang kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa pagtamo sa kapayapaan at maging sa imprastraktura.

Ipinahayag din ng Japanese official ang pakikiramay sa Pilipinas para sa mga nasawi dahil sa nagdaang bagyo.

Nagpasalamat naman si Duterte sa Japan sa tulong nito lalo na sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Iginiit ng presidente ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Japan at Pilipinas sa isyu ng climate change at disaster resilience.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.