Franchise renewal ng MBC at dalawa pang network, inaprubahan ni Duterte

By Rhommel Balasbas November 16, 2018 - 12:37 AM

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang franchise renewal ng Manila Broadcasting Company at dalawa pang network para sa susunod na 25 taon.

Nilagdaan ni Duterte ang Republic Act 11109 noong October 30 na nagre-renew sa prangkisa ng MBC na nagpapatakbo sa DZRH, Love Radio at Easy Rock.

Ang MBC ay pagmamay-ari ni Fred Elizalde.

Samantala, inaprubahan na rin ng presidente ang franchise renewal ng Bright Star Broadcasting Network sa ilalim ng R.A 11110 at maging ang prangkisa ng Vanguard Radio Network Company Inc., sa ilalim naman ng RA 11111.

Ang Bright Star ay ang nangangasiwa sa Like FM 105.9 na isang music station.

Ang Vanguard Radio naman ay nagpapatakbo sa operasyon ng kanilang mga provincial stations sa Tuguegarao City, Cagayan; Cauayan, Isabela; Cabanatuan Neuva Ecija; Solano, Nueva Vizcaya; Baguio City; La Union, at maging sa Tagbiliran City, Bohol.

Inilabas ng Palasyo ng Malacañang ang kopya ng naturang mga batas kahapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.