Brian McKnight babalik sa bansa para sa isang concert

Makalipas lamang ang dalawang taon ay babalik sa Pilipinas ang R&B singer na si Brian McKnight.

Magtatanghal ang singer sa dalawang concert na pinamagatang “An Evening with Brian McKnight” sa December 4 at 5.

Ang unang concert ay gaganapin sa The Theatre sa Solaire, habang ang ikalawa naman ay sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino.

Bukod sa singer ng “One Last Cry,” magtatanghal din sa naturang concert ang ilang Pinoy talents gaya nina Joaquin Garcia, Natasha Saas and JV Decena bilang guests.

Taong 2016 nang unang pumunta sa Pilipinas si Brian.

Read more...