Obama, may FB page na rin

By Jay Dones November 10, 2015 - 04:41 AM

Mula sa FB Page ni US Pres.Obama

Matapos magkaroon ng opisyal na Twitter account noong Mayo, may official Facebook page na rin si US President Barack Obama.

Sa kanyang unang video post, makikita si Obama na nasa likurang bahagi ng White House at ipinapanawagan na bigyang halaga ang kalikasan.

Tinalakay ni Obama ang isyu ng climate change at ang kanyang hiling na gawin ang lahat upang matiyak na mananatiling malinis at maayos ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Paliwanag ni Obama, kanyang piniling magbukas ng FB account upang mihatid ang kanyang mensahe sa milyun-milyong gumagamit nito.

Sa loob lamang ng isang oras, umabot na sa mahigit 46,000 ‘likes’ ang naturang FB page ni Obama.

TAGS: facebook, FB, Obama, US, facebook, FB, Obama, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.