Isa na namang oil price rollback, nakaamba sa susunod na linggo

Posibleng magkaroon na naman ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Kung sakali, ito na ang ikaanim na sunod na linggong may bawas sa presyo ng langis.

Batay sa unang tatlong araw ng trading, nasa P1.10 hanggang P1.20 ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Aabot naman sa P.70 hanggang P.75 ang rollback sa kada litro ng diesel.

Magbabago pa ang mga paggalaw na ito sa presyo base sa resulta ng trading ngayong araw.

Sa loob ng isang buwan, higit P7.70 na ang natapyas sa presyo ng bawat litro ng gasolina habang higit P5.00 naman sa kada litro ng diesel.

Read more...