Petsa para sa local absentee voting inanunsyo na ng COMELEC
Naglabas na ng petsa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa local absentee voting.
Nakasaad sa Resolution No. 10443 na maaaring bumoto ang mga naka-duty sa panahon ng eleksyon na kawani ng pamahalaan, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippine (AFP), maging mga kawani ng media mula April 29 hanggang May 1.
Ayon pa sa COMELEC, ang mga government officials, militar, at pulis ay maaari lamang bumoto sa mga designated polling centers na tutukuyin ng kanilang mga immediate supervisor o commander.
Samantala, pwede lamang bumoto ang mga media men kung saang COMELEC offices sila mag-a-apply ng absentee voting.
Paalala ng ahensya, ang aplikasyon para sa local absentee voting ay maaari lamang isumite hanggang March 11.
Para sa mga kawani ng media, kabilang sa kailangang isumite sa COMELEC ang certification mula sa media entity na kanilang kinabibilangan.
Mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa mga nabanggit na petsa maaaring bumoto ngunit ito ay para lamang sa mga posisyon ng senador at partylist groups.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.