M3.0 na lindol, naitala sa Leyte

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Leyte alas-11:45 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Capoocan.

May lalim ang pagyanig na siyam na kilometro.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring pinsala sa mga ari-arian na naidulot ang pagyanig.

Read more...