Mga residente sa Iloilo, hindi takot sa PECO

By Erwin Aguilon November 15, 2018 - 09:29 PM

Sa katiyakang binigay ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission(ERC) na walang mangyayaring aberya sa supply ng kuryente sa Iloilo City ay wala umanong dahilan para mangamba pa ang mga residente ng Iloilo sa nauna nang banta ng Panay Electric Company(PECO) na magkakaroon ng power blackout sa oras na hindi ma-renew ang kanilang prangkisa na nakatakdang magexpire sa Enero 19,2019.

Ayon kay Iloilo City Councilor Joshua Alim, isa sa mga local officials ng lalawigan na nangunang tumututol sa PECO franchise renewal na maituturing lamang na “blackmailing” ang pagbabanta ng PECO gayunpaman wala umanong dapat na ikatakot ang mga residente dahil mismong ang DOE at ERC na ang syang nagbigay ng kasiguruhan na mayroon na itong inilalatag na measures para maiwasan ang pagkadiskaril ng electricity supply sa Iloiloilo City sa oras na tapusin na ang prangkisa ng nag-iisang distribution utility sa lalawigan at magpalit ng bagong magseserbisyo ng kuryente.

Matatandaan na una nang nagbanta si PECO Legal counsel Atty. Inocencio Ferrer sa naging panayam sa kanya sa local radio sa Iloilo na ang Kamara at Senado ang syang dapat na sisihin ng mga residente sa oras na makaranas ng blackout.

Tinuligsa din ni Alim ang nauna nang pahayag ni Ferrer na hindi ipagbebenta ng PECO ang kanilang assets partikular ang kanilang power lines at systems sa MORE Electric and Power Corp na una nang nabigyan ng prangkisa ng Kamara at Senado.

Sa kabilang banda ay siniguro ng kinatawan ng DOE na si Antonio Barcelona sa pagdalo nito sa naganap na pagdinig ng Senate Committee on Public Services noong Oktubre 22 na maaaring magpatupad ang ahensya ng automatic divestment assets ng PECO pabor sa susunud na distribution utility firm na mabibigyan ng congressional franchise para masiguro ang tuloy tuloy na power service.

Aminado si Alim na ang kanilang pagtutol sa PECO franchise renewal ay sa dahilang sila mismo ay saksi sa mga masasamang serbisyo ng PECO na inabuso na ang kanilang monopolya sa prangkisa at sa mahabang panahon ay hindi napagbuti ang serbisyo.

Samantala tinawag din na arogante ni Iloilo Councilor Plaridel Nava ang PECO dahil sa pananakot nito na magkakaroon ng blackout.

TAGS: DOE, erc, Iloilo, peco, DOE, erc, Iloilo, peco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.