Kris Aquino, aminadong labis ang ikinalungkot sa panlolokong ginawa ng dating katiwala na si Nicardo Falcis.

By Ricky Brozas November 15, 2018 - 09:29 PM

Photo credit: Kris Aquino’s Instagram account

Aminadong ang premyadong aktres at endorser na si Kris Aquino na lubha siyang nasaktan sa panloloko sa kanya ng dating katiwala na si Nick Falcis.

Sabi ng Tinaguriang Queen Of all media, ang tanging pagkakamali niya ay nagtiwala siya kay Falcis na dati niyang business manager.

Aniya, sa labis na tiwala na ibinigay n’ya kay Falcis ay pinabayaan niya ito sa mga pampinansiyal na transaksiyon.

Una nang kinasuhan ni Aquino si Falcis matapos umanong limasin nito ang salapi mula sa kanyang kumpanya na
Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP), kung saan nagsilbi itong managing director.

Giit ni Kris, kumita na aniya si Falcis ng halos 8 milyung kumisyon mula sa kanya subalit nagawa pa rin siyang matangayan nito ng humigit-kumulang P1.2 Million pesos gamit ang kanyang corporate credit card.

Una nang nagsampa si Aquino ng reklamo sa piskalya sa Mandaluyong, Pasig, Makati, Quezon City ay Manila para sa 44 na bilang ng Qualified theft laban kay Falcis.

TAGS: Kris Aquino, Kris Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.