Mas mabigat na daloy ng trapiko ramdam na ayon sa MMDA

By Len Montaño November 15, 2018 - 08:06 PM

Inquirer file photo

Sinisi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Christmas shopping at pagdami ng mga sasakyan ang mas matinding trapik sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, dahil sa pamimili ng mga tao sa mga mall at mas maraming sasakyan na bumibyahe habang papalapit ang Pasko ay lalong bumigat ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Kapag ganitong holiday season anya ay nadaragdagan ng 10 porsyento ang trapiko sa naturang pangunahing lansangan.

Dagdag ni Garcia, kada taon ay halos 500,000 ang dagdag na bagong sasakyan, kung saan 30 porsyento nito o nasa 150,000 na mga sasakyan ang bumibyahe sa Metro Manila.

Malaking tulong naman anya ang adjusted mall hours para mabawasan ang mga sasakyan at pasahero sa kalsada.

Simula November 5 hanggang January 14, 2019 sa 11:00 ng umaga na ang bukas ng mga mall sa weekdays.

TAGS: Holiday Season, Jojo Garcia, mmda, Holiday Season, Jojo Garcia, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.