Mga sasakyang may plakang “8”, pupuntiryahin na ng PNP-HPG
Titiketan o pagmumultahin na ang mga motoristang gagamit pa rin ng plakang “8” sa mga sasakyan.
Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police Highway Patrol Group o PNP-HPG, kasunod ng viral video ng isang road rage na gumamit ng sasakyang may otso na plaka.
Ayon kay PNP-HPG Director Chief Supt. Roberto Fajardo, katuwang ng Land Transportation Office o LTO ay tutukan na rin nila ang mga sasakyang patuloy na gagamit sa number 8 car plates.
Sinabi ni Fajardo na nasa P5,000 ang multa sa mga mahuhuling may ng illegal plates.
Samantala, sinabi ni Fajardo na natunton na ng mga otoridad ang sasakyan ni Jojo Velario, ang lalaking nanuntok ng motorista sa Angeles, Pampanga.
Gayunman, sinabi ng police official na wala na raw ang plakang otso sa sasakyan at iba na ang kulay ng SUV.
Iniimbestigahan na ng mga pulis kung saan nakuha ni Velario ang number 8 car plate.
Kahapon ay ipinag-utos na rin ni House Speaker Gloria macapagal-Arroyo ang pagbawi sa lahat ng mga number 8 protocol plate na naipamahagi sa mga nagdaang kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.