LTFRB, tatanggap na ng mga aplikasyon para sa bus special permits sa Christmas season sa susunod na linggo

By Jong Manlapaz November 15, 2018 - 11:51 AM

 

Simula sa darating Nobyembre 19 hanggang 29, 2018 ay maaari ng tumanggap ng aplikasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa special permit ngayong Christmas Season.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, lahat ng public utility vehicle o PUV operators na interesado na bumiyahe ng labas sa kanilang ruta ay maaari nang maghain ng kanilang petisyon at makakuha ng  permit.

Sinabi ni Delgra na 25 porsyento lamang ng kabuuang authorized units kada prangkisa ang papayagan.

Lahat ng units na i-aapply ay dapat hindi hihigit sa sampung taong gulang mula sa panahong ilabas ito sa manufacturing firm.

Nilinaw pa ng LTFRB na ang mga operator na may certificate of public convenience na iisa lang ang unit ay hindi bibigyan ng special permit.

Huwag ding kalimutan ng operators na tukuyin sa kanilang petisyon ang kanilang terminal at ruta ng destinasyon .

Magkakabisa ang biyahe ng mga bus na may special permit simula Disyembre 23, 2018 hanggang Enero 3, 2019.

 

TAGS: Bus special permits, ltfrb, Bus special permits, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.