PROBLEMA LANG ‘YAN! ni Brenda Arcangel

June 22, 2015 - 01:03 PM

brenda“Believe that life is worth living and your belief will help create the fact” – William James (American Philosopher)

Laging bad hair day? Kayo ba yung klase ng tao na pag-gising pa lang sa umaga – hindi pa man nagsisimula ang iyong araw ay aburido na? Kumpleto naman ang tulog pero feeling mo e pagod na pagod ka,.
Tandaan natin na hindi na mawawala ang problema. Sabi nga, since birth ay may kakambal na tayong problema. Kanya-kanya lang ng diskarte kung paano haharapin ito at kanya-kanya din ng pamamaraan kung paano ito dadalhin. Nakakapanget din kung iisipin lagi ang problema.

Paano mo nga ba ma-a-achieve na laging good vibes?

1. Express gratitude – huwag palalampasin ang araw nang hindi nagpapasalamat. Always say thank you. Marami daw kasing dahilan para magpasalamat. Yung pag-gising lang natin sa umaga – magpasalamat na tayo sa panibagong araw at buhay. Kahit anuman ang naging karanasan o nangyari, ang sabi nga nila – magpasalamat pa rin dahil bahagi ito ng everyday challenge. Kung ganito daw ang magiging attitude natin, kayo na ang makakapansin na unti-unti ay gumagaan ang inyong buhay.

2. Set your intentions for the day – para maganda ang simula ng inyong araw, pag-dilat pa lang ng mata – isipin na ang iyong goal. Kung mayroon tayong gustong ma-achieve dapat ay i-set na kaagad sa ating isipan na magtatagumpay ito. Huwag na huwag daw ugaliin yung nakikita natin sa iba na kapag gumising ng umaga – isang mahabang buntong hininga at sasabihin ang salitang “hay, trabaho na naman …” mali daw po yun. So kung namumutiktik ang inyong schedule, isipin lang na magagawa mo itong lahat.

3. Take five long deep breath in and out – tandaan natin na kaya tayo humihinga ay dahil buhay pa tayo. Kung deds na tayo, siyempre hindi na tayo humihinga. Gawin daw ito ng limang beses – take a very long deep breath. Damhin ang stress at tension na unti-unting nalulusaw o nawawala. Maaari din kayong gumamit ng mga essential oil para mas epek ang paghinga o pag-breath-in at breath-out.

4. Smile for no reason – ang sabi nga, mas maraming muscles sa mukha natin ang na-aapektuhan kapag tayo ay nakasimangot kaya mas mabuting smile lang kahit walang dahilan. Keri lang te, Anuman ang problema smile ka pa rin. Ang pag-ngiti daw kasi ay nakaka-alis ng stress, nagpapababa ng blood pressure at nagpapa-buti ng immune system. So, pag-gising pa lang sa umaga – smile kaagad, libre naman yan.

5. Forgive yourself for yesterday’s mistakes – we all make mistakes ika nga … walang perfect na buhay. May mga nagawa tayo in the past na ayaw na nating balikan o ayaw na nating maulit pa. Pero isang paraan para maka-move-on ay kung papatawarin daw natin ang sarili sa ating mga nagawang pagkakamali noon. Kapag na-forgive na daw natin ang sarili, madali nang mag-forgive ang iba na may ginawa sa atin. Sa ganitong paraan mabilis rin ang recovery period natin para maka-move forward.

Anuman ang problema, kung positibo natin itong haharapin malalagpasan din yan.

Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (5:00-6:00am daily), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat&Sun 11:00-12:00nn)

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.