TINGNAN: “K-BOP protest” laban sa pagtambak ng mga basurang galing SoKor sa Mindanao
Idinaan ng Ecowaste Coalition sa isang mapayapang pagkilos ang apela nito sa South Korea na maibalik sa kanilang bansa ang mga basurang itinambak sa Mindanao.
Sa protestang tinawag na “Korea: Basura Out of the Philippines” o K-BOP sa South Korean Embassy sa Taguig City ngayong Huwebes (November 15), bitbit ng mga raliyista ang mga banner na may nakasaad na “Please take your garbage back,” “Pilipinas hindi tambakan ng basura” at marami pang iba.
Ayon kay Aileen Lucero ng Ecowaste Coalition, nawa’y bilisan na ng gobyerno ng South Korea ang re-importation ng sinasabing misdeclared garbage shipment.
Sumulat na aniya ang kanilang grupo kay Ambassador Han Dong-man para himukin ito na madaliin na ang pagbabalik ng mga basura.
Giit ni Lucero, huwag nang hintayin na magkaroon ng krisis sa basura sa Mindanao region, dahil sa mga kalat na galing sa ibang bansa.
Kabilang sa mga basurang nadiskubre sa Cagayan de Oro warehouse ay mga plastik, gamit na diapers, mga baterya at iba pa na maaaring magdulot ng panganib sa mga residente.
Binigyang-diin pa ni Lucero na ang Pilipinas ay hindi dapat itratong dumping ground para sa mga basura.
WATCH: Grupong @EcoWastePH, nagsagawa ng protesta sa gate ng South Korean Embassy sa Taguig hinggil sa basurang galing SoKor na nadiskubre sa Mindanao. pic.twitter.com/3t5Yn7AAiu
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 15, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.