Rambol ng dalawang fraternities sa UP Diliman, iniimbestigahan na

 

File photo

Isang frat war ang sumiklab sa University of the Philippines o UP Diliman sa Quezon City noong Martes (Nov. 13).

Base sa ulat, ang rambol ay kinasangkutan ng mga miyembro ng Upsilon Sigma Phi Fraternity at Alpha Phi Beta Fraternity.

Nangyari ito sa dakong alas-sais ng gabi noong Martes sa Palma Hall ng unibersidad.

Sa isang statement, sinabi ng UP Law Student Government na iniimbestigahan na ng UP Diliman Police ang naging away ng dalawang fraternities.

Batay sa impormasyong nakuha ng UP LSG, mayroon daw nakita sa Magsaysay Avenue na baril, na maaaring pag-aari ng isa sa fraternity members.

Kung may miyembro sila na mapapatunayang sangkot sa gulo, sinabi ng UP LSG na maaaring suspendihin ito.

Bubuo rin ng fact-finding committee ang UP LSG upang makakalap pa ng mga impormasyon at panagutin ang mga responsable sa nangyari.

 

Read more...